Connect with us

Aklan News

4 na kalalakihan arestado sa pagbebenta ng baril sa Altavas‎

Published

on

 

ARESTADO sa pagbebenta ng mga iligal na armas ang 4 na kalalakihan sa isinagawang Entrapment/Buy-Bust Operation ng CIDG Aklan sa bayan ng Altavas nitong Huwebes, Mayo 29.

Ang mga suspek ay mula pa sa San Jose,Antique at tumungo ng Altavas, Aklan sakay ang isang van.

Ang nagsilbing drayber ng van ay kinilalang si Bobby Porasteros, 44-anyos na residente ng San Fernando,San Jose at ang 3 sakay naman nito ay sina Rogelio Mabasa, 66-anyos at Edgar Quanico, 64-anyos na kasalukuyang mga Kagawad ng Barangay 5, San Jose Antique habang ang isa pa ay si Jose Antonio Encabo,55-anyos na residente ng Manapla,Negros Occidental.

Narekober sa kanila ang dalawang Kalibre 45, nasa mahigit 30 na mga bala, 5 magazine, mga Cellphone at Holster ng baril at buy-bust money.

Sa transaksyon ng mga otoridad sa mga suspek, shotgun at kalibre 45-na baril ang kanilang ibinibenta kapalit ng P60,000 ngunit imbes na shotgun ang isa ay dalawang 45 nalang ang kanilang ibinenta.

Nagsitakbuhan pa ang mga ito ngunit agad rin silang nahuli.

Sa panayam ng Radyo Todo kay pcapt.James Castro,OIC Provincial Officer ng CIDG Aklan PFU, matagal na umano nilang minamanmanan ang mga suspek.

Halos buong Panay Region umano ang transaksyon ng mga ito at kahit sa isang Probinsya sa Region 6 ay minamanmanan din ito ng mga otoridad.

Sa ngayon ay nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law at paglabag sa Omnibus Election Code Gun Ban.