Connect with us

Aklan News

Wing van, tumagilid sa Cabangila, Altavas

Published

on

‎Video Courtesy: Dionel Oleo

TUMAGILID ang isang wing van sa bahagi ng proper 2, Cabangila, Altavas nitong madaling-araw ng linggo, hunyo 1.

‎sa impormasyon, mula sa direksiyon ng Kalibo at patungong Iloilo ang naturang wing van.

‎pagdating sa lugar, nahulog ang gulong ng wing van sa kaliwang bahagi ng kalsada dahilan upang ito’y tumagilid.

‎pansamantala namang hindi nakadaan ang iba pang mga sasakyan na sa kaparehong direksiyon.

‎kalaunan, naiahon rin ang tumagilid na wing van na nagpatuloy naman sa pagbiyahe at hindi na rin naiulat sa pulisya.

‎napag-alamang “under construction” pa ang gitnang bahagi ng kalsada sa lugar.| ulat ni Arvin Rompe