Connect with us

Aklan News

Dahil sa sumbrero, motorsiklong nag-u-turn nabangga ng isa pang motorsiklo; parehong drayber, sugatan

Published

on

 

SUGATAN ang dalawang drayber ng motorsiklo matapos magkabanggaan sa Jaime Cardinal Ave., Pook, Kalibo bandang alas-11:40 ng gabi nitong linggo, hunyo 1.

‎ang drayber ng motorsiklong nag-u-turn ay 21-anyos na taga-Mabilo, Kalibo kasama ang 15-anyos na backrider samantalang ang isa pang rider ay 18-anyos na taga-Briones, Kalibo.

‎sa imbestigasyon ng kalibo pnp, tinatahak ng motorsiklo ang direksiyon mula pook patungong briones ng naturang bayan.

‎pagdating sa lugar, nahulog umano ang sumbrero ng motorista dahilan upang lumiko ito pa-kaliwa na sakto namang paparating ang isa pang motorsiklo, dahilan ng aksidente.

‎nagresponde naman sa lugar ang MDRRMO-Kalibo, BFP-Kalibo, at Kalibo PNP.

‎sugatan ang parehong drayber ng dalawang motorsiklo na isinugod ng mga otoridad sa provincial hospital.

‎pansamantang naka-impound sa Kalibo Municipal Police Station ang motorsiklong sangkot para sa kaukulang disposisyon.| ulat ni Arvin Rompe