Connect with us

Aklan News

Tricycle na nawalan ng preno, bumangga sa sinusundang suv ‎

Published

on

BUMANGGA sa sinusundang SUV ang isang tricycle sa bahagi ng Mabini St., Poblacion, Kalibo nitong umaga ng Lunes, Hunyo 2.

‎Sa impormasyon, sa parehong direksyon ang dalawang mga sangkot na sasakyan.

‎Pagdating sa lugar, umano’y nawalan ng preno ang tricycle dahilan upang bumangga ito sa sinusundang SUV.

‎Nagresponde naman sa lugar ang Kalibo PNP.

‎Wala namang naiulat na nasaktan sa aksidente.

‎Patuloy pa sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay ng aksidente.l Ulat ni Arvin Rompe