Connect with us

Aklan News

Batang babae, masuwerteng na-revive matapos malunod sa dagat sa Magpag-ong, Batan

Published

on

MASWERTENG naisalba ang buhay ng isang batang babae matapos malunod habang naliligo sa dagat sa Sitio Punta, Magpag-ong, Batan, Aklan nitong linggo.

Ang biktima ay siyam na taong gulang na batang babae at residente ng Brgy. Dalipdip, Altavas.

Ayon sa MDRRMO Batan, nakatanggap sila ng tawag bandang alas-2:28 ng hapon tungkol sa insidente kaya agad silang rumesponde sa lugar.

Pagdating sa lugar ay naabutan nila ang biktima na nakaupo sa tricycle at inaalalayan ng magulang nito.

Batay naman sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo, tangging paa na lamang ng bata ang kanilang nakitang lumilitaw.

Kaagad naman itong nirescue ng mga taong kasabayan nilang naliligo sa dagat kung saan isang binatilyo umano ang nagsagawa ng CPR sa bata at maswerte itong nailigtas.

Dinala ng mga rumespondeng miyembro ng MDDRMO- Batan ang biktima sa Altavas District Hospital ngunit ini-refer naman sa Aklan Provincial Hospital.

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang batang babae. | Ulat ni Jisrel Nervar