Aklan News
Scam text: Lalaki, nakatanggap ng mga text messages na umano’y may utang at warrant of arrest


DUMULOG sa Kalibo Municipal Police Station ang isang lalaki matapos na makatanggap ng nakababahalang mga text messages mula sa iba’t-ibang cellphone numbers.
Ayon sa nagrereklamong tumanggi nang magpapangalan, 39-anyos at residente ng Poblacion, Kalibo, simula nitong Lunes ay nakakatanggap ito ng mga text messages mula sa iba’t-ibang cellphone numbers.
Kabilang sa mga natanggap na text messages ng naturang lalaki ay nagsasabing may utang umano ito.
Dagdag pa nito, ilan pa sa mga kanyang mga kaanak ay nakatanggap rin ng mga text messages na umano’y may warrant of arrest din siya.
Minabuti nalang nito na ipa-rekord ng ang insidente sa Kalibo PNP para sa kaukulang disposisyon. I Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading