Connect with us

Aklan News

‎ Ilang sari-sari store sa pabahay Briones, ninakawan

Published

on

NINAKAWAN ng hindi pa tukoy na mga indibidwal ang dalawang sari-sari store sa bahagi ng Pabahay Briones, Kalibo nitong umaga ng Martes, Hunyo 10.

‎Ayon kay Del Rosario Modesto, bandang alas-5:00 lang nitong umaga niya napansing bukas na ang kanyang tindahan.

‎Dito na niya natuklasang ilan sa kaniyang mga paninda ay nawawala na.

‎Kabilang sa mga ninakaw ay ilang kaha ng sigarilyo, mga inumin, mamahaling mga de-lata, at ilan pang mga groceries.

‎Sa kabuuan, may higit sa ₱6,000 ang halaga ng mga ninakaw.

‎Samantala, ninakawan rin higit sa ₱1,400 na pera ang katapat nitong sari-sari store.

‎May nakita namang bolt cutter sa lugar na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa pagnanakaw.

‎Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP upang matukoy ang mga salarin.| Ulat ni Arvin Rompe