Aklan News
Estudyante, hiniraman ng pera at hindi na binayaran ng nagpakilalang “bigwinner” sa telegram app


HINIRAMAN at hindi na binayaran ang isang estudyante ng nagpakilalang “bigwinner” sa telegram app kahapon ng Lunes, Hunyo 9.
Ang biktima ay 22-anyos na babae at residente ng Brgy. Dumga, Makato, Aklan at isang estudyante.
Ayon sa biktima, bandang 2:57 ng hapon noong Hunyo 4, 2025, nakatanggap siya ng mensahe mula sa scammer na humihingi ng ₱200 at nangakong agad itong isasauli.
Nagpadala naman ng pera ang biktima sa isang gcash account na nagtatapos sa 3840.
Pagdating ng 9:40 ng gabi, muling nag-message ang scammer at humingi pa ng karagdagang ₱500, na may pangakong isasauli ang kabuuang halaga.
Subalit matapos matanggap ang pera, hindi na ito muling makontak at binura pa ang kanilang chat conversation.
Dahil dito, personal nang nagtungo ang biktima sa himpilan ng Kalibo mps upang magsampa ng pormal na reklamo.
Agad namang ini-refer ang kaso sa Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) 6 sa Iloilo City para sa kaukulang imbestigasyon. I Ulat ni Jisrel Nervar