Connect with us

Aklan News

Drayber, nawalan ng kontrol; SUV, bumaliktad sa New Washington

Published

on

Screengrab from Kuya Q tv/Facebook

 

‎Bumaliktad ang isang SUV matapos umanong mawalan ng kontrol ang drayber sa bahagi ng Barangay Tambak, New Washington bandang alas-9:30 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 15.

‎Batay sa imbestigasyon ng New Washington PNP, galing sa bayan ng Kalibo ang SUV at tinatahak ang direksyon papuntang Poblacion, New Washington.

‎Dahil umano sa madulas na kalsada bunsod ng pag-ulan, nawalan ng kontrol ang drayber na naging sanhi ng pagkakabaliktad ng minamanehong sasakyan.

‎Nagtamo ng mga minor injuries ang tatlong sakay ng SUV, kabilang na ang drayber.

‎Tumanggi na ang mga ito na magpadala pa sa ospital matapos silang bigyang first aid ng mga rumespondeng MDRRMO-New Washington.

‎Samantala, naitabi na rin pansamantala ang sasakyan upang hindi na makaabala sa iba pang mga dumaraan.| Ulat ni Arvin Rompe