Connect with us

Aklan News

Hilux A at Avanza, nagbanggaan sa Poblacion, Kalibo

Published

on

WASAK ang harapang bahagi ng isang Avanza matapos na masangkot sa aksidente sa pagitan ng hilux sa bahagi ng Acevedo St. Corner Regalado St., Poblacion, Kalibo nitong gabi ng Linggo, Hunyo 15.

‎Batay sa impormasyon, tinatahak ng Avanza ang Regalado St. Habang ang Hilux naman ay sa bahagi ng Acevedo St.

‎Pagdating sa kanto ng dalawang kalye ay doon na aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.

‎Isinugod naman sa Provincial Hospital ang isa sa mga sakay ng Avanza matapos na magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

‎Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay sa nangyaring aksidente.l Ulat ni Arvin Rompe