Aklan News
Kwarto ng isang bahay sa veterans Ave., Kalibo, nasunog


NASUNOG ang kwarto ng isang bahay sa bahagi ng Veterans Ave., Poblacion, Kalibo bandang ala-1:00 nitong hapon ng Lunes, Hunyo 16.
Ang naturang bahay ay pagmamay-ari ni Carlo Monte.
Batay sa impormasyon, nagsimula umano ang apoy mula sa sumabog na portable gas stove sa loob ng nasabing kwarto.
Ilan sa mga naabot ng apoy ay kurtina, mga pinggan, at ilan pang mga kagamitan.
Samantala, naapula naman agad ang sunog matapos na gamitan ng fire extinguisher.
Nagresponde naman sa lugar ang Kalibo PNP, BFP-Kalibo, at CFAG ng Barangay Poblacion.
Samantala, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP-Kalibo kaugnay ng nangyari. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading