Connect with us

Aklan News

Dalawang wanted persons sa kasong r*pe, arestado sa Ibajay

Published

on

ARESTADO ng lbajay PNP katuwang ang 2nd Aklan PMFC at Aklan PPO Trackers team ang dalawang wanted persons sa kasong r*pe sa magkahiwalay na barangay sa bayan ng Ibajay, nitong Martes, Hunyo 17.

‎Ang isang akusado na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Ibajay at Probinsiya ng Aklan ay edad 51-anyos, residente ng Bugtong-Bato, Ibajay at nahaharap sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Republic Act No. 11648.

‎Walang itinalagang piyensa ang korte para sa pansamantala nitong kalayaan.

‎Samantala, isa pang Top 4 Most Wanted Person ng Ibajay na 71-anyos ang naaresto ng mga otoridad sa Brgy. Colong-Colong ng nasabing bayan.

‎Nagtalaga naman ng Two Hundred Thousand Pesos (Php 200,000.00) na piyensa ang korte para sa kaso nitong Qualified Rape by Sexual Assault.

‎Ang pagkaka-aresto sa dalawang akusado ay sa pamamagitan ng Warrants of Arrest na inisyu ni Hon. Maria Fe Macabales Taal, Assisting Judge of RTC Branch 3, Sixth Judicial Region, Kalibo, Aklan.

‎Pansamantalang nasa kustodiya ng Ibajay Municipal Police Station ang dalawang mga indibidwal at nakatakdang iharap sa kaukulang korte ngayong araw. | ulat ni Arvin Rompe