Aklan News
Lalaking umano’y may sakit na nervous breakdown, nasaksak ng gunting ang bayaw sa Numancia


NASAKSAK ng gunting ng isang lalaki ang kaniyang sariling bayaw, bandang alas-8:36 ng umaga nitong Miyerkules, Hunyo 18.
Sa impormasyon, ang lalaking may nervous breakdown ay edad 35-anyos samantala ang nasaksak namang bayaw ay edad 25-anyos.
Sinumpong umano ang lalaki ng kanyang sakit dahilan upang masaksak nito ang kanyang sariling bayaw sa kaliwang bahagi ng kamay.
Binigyan naman ng kaukulang first aid ng mga rumespondeng MDRRMO-Numancia ang biktimang bayaw at tumanggi nang magpa-hospital.
Samantala, isinailalim naman sa check-up ang lalaking may nervous breakdown. | Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading