Connect with us

Aklan News

Maletang matagal nang naiwan sa bus terminal sa Kalibo, sinuri ng EOD unit

Published

on

 

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga awtoridad sa isang maletang matagal nang walang nagke-claim na naiwan ng isang pasahero sa Ceres Terminal sa bayan ng Kalibo.

Masusing sinuri ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit at Kalibo Municipal Police Station ang naturang maleta upang matiyak na wala itong lamang mapanganib na kagamitan.

Wala namang naamoy ang K-9 dog sa maleta.

Nang buksan ng otoridad tumambad sa kanila ang mga personal na gamit gaya ng damit panlalaki, shorts, underwear, plantsa, at phone charger.

Ayon sa pamunuan ng terminal, matagal nang naiwan ang naturang bagahe kaya’t minabuti nilang i-turn over ito sa Kalibo PNP para sa mas masusing beripikasyon at seguridad.