Connect with us

Aklan News

Trailer truck, sumalpok sa batchoyan sa Tamalagon, Tangalan ‎

Published

on

SINUNGAY ng isang trailer truck ang isang batchoyan sa bahagi ng Tamalagon, Tangalan, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nitong Huwebes, Hunyo 19.

‎Sa impormasyon, tinatahak ng truck ang direksiyon papuntang Caticlan sa bayan ng Malay.

‎Dahil sa umano’y madulas na daan sa lugar dulot ng pag-ulan, nawalan ng kontrol ang drayber na naging sanhi ng aksidente.

Binalikan naman ito ng isang pang truck na kasamahan nito.

‎Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Radyo Todo News Team sa mga otoridad para sa karagdagang detalye.| Ulat ni Arvin Rompe