Connect with us

Aklan News

‎ Variety store, nilooban; ₱3k na laman ng kaha, tinangay

Published

on

 

TINANGAY ng hindi pa nakikilalang kawatan ang ₱3,000.00 na laman ng kaha matapos looban ang isang variety store sa bahagi ng C. Laserna St., Poblacion, Kalibo nitong madaling-araw ng Huwebes, Hunyo 19.

‎Sa salaysay ng hindi na nagpapangalang 35-anyos na may-ari, bandang alas-6:40 lang nitong umaga nila napansin na nilooban na ang kanilang tindahan.

‎Sa kanilang pagsisiyasat, tanging kaha lang ang nawawala kung saan may laman itong nagkakahalaga ng ₱3,000.

‎Samantala, nakita naman ang kaha 100 metro mula sa tindahan ngunit wala na ang laman nitong pera.

‎Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring insidente. l Ulat ni Arvin Rompe