Connect with us

Aklan News

Delivery rider, bumangga sa poste ng kuryente; sugatan

Published

on

photo: MDRRMO New Washington

BUMANGGA sa poste ng kuryente ang isang delivery rider sa Brgy. Mataphao, New Washington, bandang alas-6:00 nitong gabi ng Miyerkules, Hunyo 18.

Ang hindi na pinangalanang rider ay isang 25-anyos na lalaki at residente ng Brgy. Jugas, New Washington Aklan.

Ayon sa MDRRMO New Washington, nakatanggap sila ng tawag ukol sa isang self accident at agad rumesponde sa lugar.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na agad isinugod sa provincial hospital.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng New Washington PNP sa nangyaring aksidente. l Ulat ni Jisrel Nervar