Aklan News
Dalawang magkasunod na motorsiklo, sumemplang sa Feliciano, Balete


SUMEMPLANG ang dalawang magkasunod na motorsiklo sa bahagi ng Sitio Adgawan, Feliciano, Balete bandang alas-4:00 nitong hapon ng Linggo, Hunyo 22.
Sa impormasyon, nauna ang isang motorsiklong may angkas samantalang ang kasunod nito ay tanging drayber lang ang sakay.
Parehong tinatahak ng dalawang motorsiklo ang direksiyon papuntang bayan ng Kalibo.
Dahil sa umano’y madulas na daan sa lugar, sumemplang ang parehong mga motorsiklo.
Nagtamo naman ng mga minor injuries ang parehong drayber gayundin ang isang sakay nito, at pareho namang nasa maayos ang kondisyon.
Continue Reading