Connect with us

Aklan News

Bahay sa C. Laserna St., Kalibo, pinagnakawan ng umano’y mga menor-de-edad; cash at alahas, tinangay

Published

on

TINANGAY ng umano’y grupo ng mga menor-de-edad ang cash at alahas sa isang bahay sa C. Laserna St., Poblacion, Kalibo matapos nila itong looban nitong madaling-araw ng Lunes, Hunyo 22.

‎Kwento ng may-ari na tumanggi nang magpapangalan, nagising nalang ito na nakakalat na ang kanyang gamit.

Lumalabas sa imbestigasyon, na pinasok ang bahay sa pamamagitan ng pagputol sa panaling lubid sa main door, gamit ang isang kutsilyong naiwan pa sa lugar.

‎Ayon naman sa kanyang mga kapitbahay, umano’y grupo ng mga menor-de-edad ang salarin sa panloloob.

‎Natangay ng mga kawatan ang perang Php 1,500 at dalawang piraso ng gintong singsing na tinatayang nagkakahalaga ng P39,000.

‎Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay ng insidente. l Ulat ni Arvin Rompe