Connect with us

Regional News

Power bank, nagliyab at sumabog sa Roxas airport — CAAP

Published

on

Photo: Civil Aviation Authority of the Philippines

NAGLIYAB AT SUMABOG ang isang power bank sa security checkpoint ng Roxas Airport bandang alas-6:36 ng umaga, nitong Martes, Hunyo 24.

‎Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

‎Ayon sa ulat, nadiskubre ang 72,000 mAh power bank sa bagahe ng babaeng pasahero. Ito’y malayo sa itinakdang 160 watt-hour limit.

‎Sinabi naman ng pasahero na pinayagang isama ang power bank sa kanyang bagahe sa biyahe nito mula Maynila.

‎Ngunit habang sa proseso ng pag-turn-over, bigla na lamang nagliyab ang power bank at sumabog sa inspection table.

‎Naapula naman ito gamit ang fire extinguisher at wala namang nasaktan o nasirang kagamitan.

Muling nanawagan ang CAAP sa mga pasahero na sumunod sa aviation safety regulations. l Ulat ni Arvin Rompe

 

Continue Reading