Aklan News
Tricycle, sumalpok sa isa pang trike; drayber at pasahero, sugatan


Sugatan ang drayber at pasahero ng isang tricycle matapos bumangga sa nakaparadang trike sa Sitio Pangpang, Puis, New Washington, madaling-araw nitong Miyerkules, Hunyo 25.
Ang drayber na biktima ay isang 49-anyos na lalaki, habang ang pasaherong biktima naman ay 39-anyos; kapwa residente ng Lawaan sa nasabing bayan.
Ayon sa MDRRMO-New Washington, pauwi na umano ang mga biktima mula sa Pook, Kalibo nang hindi mapansin ng drayber ang nakaparadang tricycle, dahilan ng aksidente.
Parehong nagtamo ng sugat ang dalawa at dinala sa Aklan Provincial Hospital.
Napag-alamang lasing umano ang mga ito nang maganap ang insidente.| Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading