Connect with us

Aklan News

‎ Boarder, nag-amok matapos sawayin dahil sa maingay na motorsiklo

Published

on

PANSAMANTALANG IKINUSTODIYA sa Kalibo Municipal Police ang isang boarder matapos na nag-amok nang sawayin dahil sa maingay nitong motorsiklo, bandang ala-7:00 nitong gabi ng Martes, Hunyo 24.

‎Ang boarder ay kinilalang si Carlito, 44-anyos, tubong Morales, Balete pero pansamantalang nanunuluyan sa Oyo Torong St., Poblacion, Kalibo.

‎Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, umuwi kanyang tinutuluyan sa lugar ang lasing na boarder.

‎Sinaway lang umano ito ng kanyang kapitbahay dahil sa maingay nitong motorsiklo.

‎Nagalit ang boarder at kumuha pa ng gulok na aktong mananaga.

‎Nirespondehan naman ito ng kapulisan at ikinustodiya ang boarder sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.| Ulat ni Arvin Rompe