Connect with us

Aklan News

AKELCO, pangalawa sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa Western Visayas ngayong Hunyo 2025

Published

on

Umabot sa ₱12.21 kada kilowatt hour (kWh) ang residential rate ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) para sa buwan ng Hunyo 2025, base sa inilabas na datos ng mga distribution utilities sa buong Western Visayas.

Sa talaan, pumangalawa ang AKELCO sa may pinakamataas na singil sa kuryente sa rehiyon, kasunod ng Northern Negros Electric Cooperative (NONECO) na may pinakamataas na rate na ₱12.72/kWh.

Samantala, nananatiling pinakamababa ang singil ng MORE Power na nagbibigay serbisyo sa Iloilo City, na may presyong ₱10.52/kWh lamang.

Dahil sa mataas na singil ng kuryente, umaasa ang mga konsyumer ng AKELCO na magbibigay ng paliwanag ang kooperatiba at maglatag ng mga hakbang upang mapababa ang kanilang electricity rates sa mga susunod na buwan.

Samantala, patuloy naman ang panawagan ng mga mamamayan para sa mas abot-kayang serbisyo sa kuryente sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin at iba pang pangunahing pangangailangan.