Connect with us

National News

Voter’s registration para sa Barangay at Sk elections, target simulan ng COMELEC sa unang Linggo ng Agosto

Published

on

Posibleng simulan na ng Commission on Elections (COMELEC) sa unang linggo ng Agosto ang voters’ registration para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, target nilang isagawa ang registration sa loob lamang ng sampung araw.

Ibinahagi rin ni Garcia ang hamon sa kanilang panig habang patuloy ang usapin kung tuloy o ipagpapaliban ang halalan.

Isa sa mga ikinababahala ng COMELEC ay ang posibilidad na matuloy ang eleksyon ngunit walang sapat na bilang ng mga rehistradong botante, partikular na sa hanay ng mga kabataang edad 15 hanggang 17.

Kung hindi maaantala ang proseso, inaasahang matatapos ng Election Registration Board ang mga kinakailangang hearing bago sumapit ang Agosto upang agad na masimulan ang registration.