National News
MENTAL HEALTH LEAVE PARA SA MGA EMPLEYADO, IMINUNGKAHI NI SEN. CAMILLE VILLAR


IMINUNGKAHI ni Senadora Camille Villar ang panukalang batas na magbibigay ng tatlong araw na mental health wellness leave na may kasamang sahod para sa mga empleyado sa pampubliko at pribadong sektor.
Ayon kay Villar, ang panukala ay bahagi ng layunin ng Mental Health Act upang makabuo ng isang komprehensibo at epektibo na national mental health care system na tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
“One of the objectives of the Mental Health Act is to develop and establish a comprehensive, integrated, effective, and efficient national mental health care system responsive to the psychiatric, neurologic, and psychosocial needs of the Filipino people,” saad ni Villar sa explanatory note.
Kasabay nito, naghain din si Villar ng panukalang batas na nagpapalawak sa PhilHealth coverage upang maisama ang benepisyo para sa lahat ng uri ng mental health disorders.
Giit ng senadora, kinakailangang bigyang-halaga ang mental health ng bawat manggagawa dahil isa itong karapatang pantao na kailangang itaguyod ng Estado.
Bukod sa mga ito, naghain din ang senadora ng iba pang panukalang batas na tumutugon sa kapakanan ng kababaihan, kabataan, mamamahayag, at sa mga bagong nagtapos ng kolehiyo.
Continue Reading