Aklan News
DALAWANG BANTAY NG FARM SA BANGA, P*TAY, MATAPOS PAGBABARILIN


PINAGBAB*RIL-P*TAY ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang dalawang bantay ng farm sa Barangay Lapnag, Banga nitong miyerkules ng umaga Hulyo 9, 2025.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Stephen Palmon, 44-anyos na residente ng Dingle, Banga at Hersey Rufin, 46-anyos na residente naman ng Badiangan, Banga ngunit naka stay-in sa nasabing Farm na pagmamay-ari naman ng dating pulis na si Andres Protacio.
Ayon sa ulat, bandang alas-9 ng umaga ng makarinig ang ilang mga residenteng malapit sa lugar ng dalawang mahinang putok ng baril.
Samantala mag alas-12 na ng makita ang mga katawan nito na nakahandusay at wala ng buhay kung-kaya’t agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar.
Wala namang nakitang empty shells o basyo ng bala sa lugar kung kayat hinihinalang Kalibre 38 ang ginamit sa pamamaril.
Parehong tig-isang tama ng bala naman sa ulo ang tinamo ng mga biktima.
Sa ngayon ay patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring insidente.
Continue Reading