Connect with us

History

Today in PH History – Ipinanganak si Jorge Bocobo

Published

on

Noong Oktubre 19, 1886, ipinanganak si Jorge Bocobo sa Gerona, Tarlac.

Si Bocobo ang nagsalin ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal sa Wikang Inggles. Isinalin din niya ang Code of Kalantiaw, Lupang Hinirang, at ang Decalogue ni Andres Bonifacio. 

Nakakuha siya ng halos perpektong marka sa Civil Law examinations sa bansa.

Isa si Bocobo sa 100 Filipino na ipinadala sa Estados Unidos noong Octubre 10, 1903 para mag-aral ng apat na taon sa mga paaralang Amerikano.  Binansagang silang mga “pensionados”. 

Tinulungan niya si Presidente Manuel L. Quezon sa pagsulat ng mga talumpati at mga pahayag kaugnay ng kanilang kampanya para sa kasarinlang ng Pilipinas.

Isinalin din ni Bocobo sa Wikang Inggles ang isinulat ni Rizal na preface para sa libro ni Professor Ferdinand Blumentritt na Filipinas.

Nagsilbi rin si Bocobo bilang ikalimang presidente ng Unibersidad ng Pilipinas mula 1934 hanggang 1939, at naging instrumental sa pag-unlad ng edukasyon sa Pilipinas.

Nang siya ay nagsisilbing dean ng U.P. College of Law, malaki ang kanyang naiambag sa pagkakaroon ng unibersidad ng reputasyon bilang outstanding law school sa bansa. 

Marami rin syang naging posisyon, tulad na lamang ng pagiging justice of the Supreme Court mula 1942 hanggang1944 at chairman ng Code Commission.

Siya ang pangunahing may-akda ng Civil Code of the Philippines, dahilan para parangalan siya ng Presidential Award of Merit ni dating presidente Elpidio Quirino noong 1949.

Si Bocobo ay naakusahan at nakulong dahil umano sa treason, subalit napawalang bisa rin kinalaunan.  Nakalaya siya noong May 17, 1954.

Namatay si Jorge Bocobo noong July 23, 1965.

Continue Reading