Business
DTI, suportado ang tax exemption ng mga aircraft spare parts
Suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang apela ng Lufthansa Technik Philippines (LTP) na panatilihin ang tax exemption ng mga spare parts ng mga aircraft sa isinusulong na Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (Citira).
Sa ilalim kasi ng proposed tax package, ang mga imported na raw materials ay mananatiling exempted sa import duties at value-added tax.
Subalit, hindi nakasaad kung ang aircraft spare parts ay mananatili pa ring exempted mula sa tax.
Nais itong bigyang linaw ng LTP sapagkat mahalaga ang papel ng mga spare parts sa negosyo nilang aircraft maintenance, repair and overhaul (MRO).
Sinabi ni LTP president at CEO Elmar Lutter sa isang interview na kung mawawala ang mga kasalukuyan nilang tinatamasang incentives, wala nang magagawa ang kumpanya nila kundi ang magtigil na ng operasyon.
Sinabi naman ni Trade Secretary Ramon Lopez sa isang interview na kailangang sa umpisa pa lang ay wala nang tax na babayaran sapagkat ang LTP ay nag-i-export. Ang spare parts daw ay ang raw material.
Dagdag pa ni Lopez, sa bagong bersyon ng Citira, kailangang tukuyin na ang mga provisions sa spare parts ay applicable lamang sa MRO industry. “I will support that because that’s their business model,” aniya.
Ang Citira ay naglalayong unti unting ibaba ang corporate income tax mula sa pinakamataas sa Southeast Asia habang nira-rationalize ang tax incentives para sa mga kumpanya na tulad ng LTP.