Connect with us

TODO Espesyal

98-taong ina, tumira sa nursing home para alagaan ang 80-taong anak

Published

on

Ang pagiging ina ay 24/7 na trabaho na walang dayoff, at hindi ito natatapos kahit na may kakayanan na ang mga anak na alagaan ang sarili.

Pinatunayan ito ni Ada Keating, 98 taong gulang nang pinili niyang huwag lumayo sa tabi ng anak sa kabila ng kanyang katandaan.

Maagang naging ina si Ada ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi niya makamit ang pangarap na maging nars. 

Isa sa apat na mga anak ni Ada ay si Tom, na naging pintor at decorator.  Hindi siya nakapag-asawa at tumira kasama ng ina niya hanggang sa pagtanda.

Nang dumating ang panahon na hindi na kaya ni Tom na alagaan ang sarili, tumira siya sa isang assisted living center.  Lagi siyang binibisita ni Ada ngunit hindi iyon naging sapat upang maibsan ang pangungulila nila sa isa’t isa.  Dahil dito, naisipan ni Ada na tumira na rin sa parehong facility.  Doon ay lagi na silang magkasama at nagagawa ni Ada ang bagay na ginagawa niya sa loob ng 80 taon—ang alagaan ang kanyang anak. 

Housemates sa nursing home care

Sa nasabing senior citizen facility, tumutulong si Ada sa pag-aalaga sa kanyang anak.  Siya ang taga-gising ni Tom sa umaga, pati na rin ang tagapagpatulog sa gabi.  Lagi silang magkasamang naglalaro at nanonood ng TV.  Kapag hindi makita ni Tom ang ina, kahit na sa sandaling panahon, hinahanap niya agad ito.  Sobra ang kagalakan ni Tom kapag masilayan na ang ina. 

“She’s very good at looking after me,” ani Tom. “Sometimes she’ll say “Behave yourself”.”

Natutuwa naman ang mga empleyado sa pagiging close ng mag-ina kaya’t sinisiguro nila na magiging masaya ang dalawa sa mas mahabang panahon. 

It’s very touching to see the close relationship both Tom and Ada share and we are so pleased we were able to accommodate both of their needs,” ani Philip Daniels, ang manager ng facility. “It’s very rare to see mothers and their children together in the same care home and we certainly want to make their time together as special as possible. They are inseparable.”

You never stop being a mom,” ani naman ni Ada.

Ang pagmamahal ng ina ay talagang makapangyarihan, at walang makakapabago dito, kahit na ang edad, sakit, o mahabang panahon.


PANOORIN: Mom 98 Moves into Care Home to Look After her 80 Year Old Son
Continue Reading