National News
Pagiging epektibo ng K to 12 program, susuriin sa Kamara – DepEd
Bukas umano ang Department of Education (DepEd) sa itinakdang pagsusuri sa Kamara ng pagiging epektibo ng K-12 program.
Sa isang statement na ipinalabas, sinabi ng DepEd noon pang nakaraang budget hearing na nakikipag-ugnayan na sila sa Kamara tungkol sa pag-e-evaluate ng effectiveness ng programa.
Bukas umano sila sa nasabing pagre-review upang mabigyang daan ang komprehensibong talakayan at pagkakataon na ma-address ang mga concerns tungkol sa programa.
“A dedicated review session will provide an appropriate venue to comprehensively discuss concerns about the program and plot out corresponding solutions,” sabi sa statement.
Nabuksan ang isyu matapos mag-komento ni House Speaker Alan Peter Cayetano noong Linggo na ang Kamara ay “in consensus about K to 12 not living up to its promise, which is, after you finish senior high school, you don’t have to go to college.”
Sinabi rin ng ahensya na sila ay makikipag-ugnayan sa Kongreso tungkol sa pagbuo ng mga stratehiya para sa epektibong implementasyon ng karagdagang P650 milyong budget na nakalaan para sa improvement ng K to 12 program.
“With an additional P650 million in the proposed 2020 budget specifically for the improvement of the 12-year basic education program, DepEd commits to coordinate and collaborate with the members of the Congress in strategizing effective implementation of the Program in adherence to Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education Act of 2013 for the benefit of the learners,” sabi ng DepEd.
Dagdag pa ng DepEd, umaasa silang pagsusuri ng Kamara ay magreresulta sa “renewed commitment from lawmakers and other stakeholders for the program and its goal of ‘holistically-developed Filipino learners with 21st-century skills.’”
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na si Presidente Rodrigo R. Duterte ay hindi makikialam sa desisyon ng Kamara na suriin ang K to 12.