International News
Emperador Naruhito ng Japan, opisyal na ang pagkakaluklok sa trono
Opisyal nang ipinroklama ni Emperador Naruhito ng Japan ang kanyang pagkakaluklok sa trono bilang pagkumpleto sa kanyang ascension sa Chrysanthemum Throne ngayong araw.
Sa isang “ritual-bound, centuries-old ceremony” na tinatawag na “Sokui no Rei”, binigkas ni Naruhito sa harap ng daan daang mga maimpluwensiyang taon sa mundo ang mga katagang ito: “I hereby declare my enthronement at home and abroad.”
Nakasuot si Naruhito ng rust-colored robe na kapareho ng sinuot ng kanyang ama sa kanyang sariling pagluluklok. Nakasuot naman ang kanyang asawa na si Masako ng isang puti na robe.
Three Sacred Treasures
Nang umakyat si Naruhito sa trono, naglagay ng mga kahon malapit sa kanyang inuupuan. Pinaniniwalaan na ang mga kahon ay naglalaman ng isang espada, at isang antigo at mamahaling hiyas na ayon sa mga alamat ay nagmula pa sa panahon ng unang emperador ng Japan na si Jimmu. Ang mga reliko ay sobrang sagrado kaya’t hindi ito ipinapakita sa publiko. Kasama sa royal regalia o Three Sacred Treasures ay ang octagonal mirror.
Nang dumating ang takdang oras,binasa ni Naruhito ang kanyang proklamasyon mula sa isang malaking papel.
“I pledge hereby that I shall act according to the Constitution and fulfill my responsibility as the symbol of the State and of the unity of the people of Japan, while always wishing for the happiness of the people and the peace of the world, turning my thoughts to the people and standing by them,” sabi ni Naruhito.
“I sincerely hope that our country, through our people’s wisdom and unceasing efforts, achieves further development and contributes to the friendship and peace of the international community and the welfare and prosperity of humankind.” dagdag pa niya.
Nang matapos ang seremonya, tumayo si Prime Minister Shinzo Abe sa harap ng trono ni Naruhito. Nagbasa siya ng isang talumpati at pagkatapos ay sumigaw ng “Banzai!” o “Long live the emperor” ng tatlong beses.
Pagpalit sa iniwang trono ng ama
Nagsimulang mamuno si Naruhito noong Mayo matapos na lisanin ng kanyang ama na si Akihito ang trono, ngunit nito lamang Martes siya nag-deklara ng kanyang pagbabago ng estado. Hindi nakumpleto ang transisyon hanggat hindi opisyal na ipinroklama ang kanyang bagong pwesto.
Halos 2,000 na high-profile na bisita ang dumalo sa seremonyas. Kabilang na dito sina Prince Charles ng Britanya at ang Hong Kong leader na si Carrie Lam. Kasama rin sa mga dumalo ay ang Prime Minister ng South Korea na si Lee Nak-yon sa kabila ng nangyayaring trade spat sa pagitan ng South Korea at Japan.
Dumalo rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pagluluklok. Kasama niya ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte, si Presidential spokesman Salvador Panelo, Senator Christopher “Bong” Go, Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, Special Envoy to Japan Feliciano “Sonny” Belmonte, at Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs na si Robert Borje.