Aklan News
Libreng binhi, scholarship sa mga magsasaka iminungkahi sa Roxas City council
Plano ngayon ng isang konsehal sa Roxas City, Capiz na mabigyan ng libreng binhi at scholarship ang mga anak ng mga magsasaka sa lungsod na ito.
Ayon kay Konsehal Moring Gonzaga, Chairperson ng Committee on Agriculture and Aquatic Resources, ito ang nakikita niyang paraan para maibsan umano ang suliraning kinahaharap ng mga magsasaka
Aniya, nagpaabot umano ng hinaing ang mga magsasaka dito sa Roxas City sa kanya kaugnay ng masyadong mababang halaga ng bentahan ng palay sa merkado.
Iminungkahi ni Konsehal Gonzaga sa konseho sa pamamagitan ng kanyang privilege speech na gumawa ng kaukulang hakbang ang City government para matulungan ang mga magsasaka.
Nabatid na sa buong lungsod ay may 10 farmers association at kabuuang 1845 bilang ng mga magsasaka.
Samantala, sa kanyang privilege speech iminungkahi rin Konsehal Jericho Celino sa kanyang mga kasama sa konseho na gumawa ng stand sa Rice Tariffication Law.
Ayon sa National Food Authority ang batas na ito ay nagpapahintulot sa mga pribadong negosyante o kompanya na mag-angkat na bigas nang walang regulasyon.
(photo courtesy: CBCP News)