Aklan News
WANTED SA KASONG QUALIFIED THEFT, DINAMPOT NG PULIS
Kalibo – Dinampot ng mga kapulisan ang isang 37 anyos na lalaking wanted dakong alas-10:30 ng umaga kahapon sa Brgy. Andagao, Kalibo.
Nakilala ang akusadong si Jayson Filomeno ng Brgy. Andagao na may warrant of arrest sa kasong Qualified Theft.
Inaresto si Filomeno sa bisa ng warrant na ibinaba ni Hon. Jimena Abellar-Arbis, presiding judge ng Aklan Regional Trial Court na may kaukulang piyansang P40, 000.
Dinala na ang akusado sa korte para sa kaukulang disposisyon.
Continue Reading