Connect with us

Aklan News

Aklan BJMP GINALUGAD, ILANG MGA KONTRABANDO NASABAT

Published

on

Ginalugad nitong umaga ang BJMP o Bureau of Jail Management and Penology sa Nalook, Kalibo, kasabay ng random drug testing ang mga inmates at mga personnel doon.

Kasama sa nasabing operation greyhound ang mga taga SWAT at Kalibo PNP.

Ininspeksyon ng mga taga BJMP ang mga selda doon upang matiyak na walang kontrabando o iba pang bagay na magiging banta sa buhay ng mga inmates.


Ayon kay BJMP Warden Jail Senior Inspector Felix Q.Sarania, may mga narekober na silang improvised weapon o sandata katulad ng pako at nail cutter.

Jail Warden Felix Q. Sariana

May mga narekober ding pinutol na kahoy, improvised heater, ballpen lighter, lighter at lata.

Samantala, nabatid na nasa 22 personnel ng BJMP ang sumailalim sa drugtesting habang nasa 36 naman ang mga inmates na pawang nag negatibo sa drug test.

Samantala, ipinaabot din ni Sarania na ipagbabawal na rin nila ang pagdala ng mga plastic sa loob ng nasabing piitan.