TODO Espesyal
‘Lindol Stop!’: Pastor Quiboloy dapat raw pasalamatan sa paghinto ng lindol sa Mindanao
Muli na namang pinutakte ng samut-saring reaksyon sa social media si Pastor Apollo Quiboloy matapos ang pahayag nito ukol sa nangyaring paglindol sa Mindanao.
Viral ngayon ang mga videos ni Quiboloy kung saan sinasabi nito na siya ang nagpatigil sa magnitude 6.6 na lindol noong Martes.
Ayon kay Quiboloy, nasa kuwarto siya ng yumanig ang lindol pero nang sinabi niya umanong “lindol stop” ay huminto raw ito.
“Noong lumindol ng (magnitude) 6.6, nandoon ako kahapon, nandoon ako sa kwarto ko, sabi ko, ‘lindol, stop’ eh di, um-stop. Tapos, pangalawa mga 11 siguro iyon, nandyan si Ingrid, nagsusulat ako, lumindol, sabi ko lang ‘stop’ eh di um-stop din,” saad ni Quiboloy.
Iginiit ni Quiboloy na dapat siyang pasalamatan ng mga tao dahil mas marami pa umano ang mamamatay at malaki pa ang maiiwan na pinsala ng lindol kung hindi niya ito pinahinto.
“Pasalamat kayo sa akin, kasi kung hindi ko pina-stop ‘yon, marami kayong magigiba diyan, mamamatay kayo! Kaya’t pasalamat kayo at ako ang nagpa-stop ng lindol. Hindi ko sinabi ‘to ng walang witness ha. May witness marami, nakapalibot sa akin. Sinigawan ko yung lindol, nang gumanun na ang mga chandelier, ‘stop!’ sabi ko lang ‘stop’, um-stop agad,” dagdag pa nito Quiboloy.
Si Quiboloy ang leader ng ‘Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name’.
Sumikat din ito sa kanyang pahayag na siya ang responsable sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe dahil siya ang God of the Universe at ‘Appointed Son of God’.