Connect with us

Health

134 katao, nagkaroon ng HIV dahil sa transactional sex – DOH

Published

on

Transactional sex

Transactional sex ang itinuturong sanhi kung bakit higit sa 100 katao ang naitala na nagkaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) noong Hulyo. Ito ay ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Ayon sa July 2019 Philippine HIV and AIDS registry report, 134 katao ang nagkaroon ng nasabing sakit. Ito ay matapos na mag-engage sila sa transactional sex.

Sa “special population” group na ito nanggaling ang 12 posyento ng 1,111 na bagong kaso ng HIV na naireport sa DOH sa buwan ng Hulyo.  Mas mataas ito ng 29 porsyento kumpara sa naitalang kaso (859) sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ibinahagi ng mga taong gumagawa ng transactional sex na sila ay nagbayad kapalit ng pagtatalik o tumanggap ng bayad kapalit ng pagtatalik.  May mga iba rin na ginagawa ang pareho.

Ang pagkakaroon ng HIV ay maaaring humantong sa pagkakasakit ng acquired immunodeficiency syndrome o AIDS, isang kundisyon kung saan ang immune system ng katawan ay sinisira ng virus na maaaring humantong kinalaunan sa kamatayan.

Maaaring maisalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng: i) pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS, ii) sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo, iii) sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS, iv) paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo o body piercing, at v) ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso.

Binibigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng maagang maagang pagpapatingin at pagpapagamot sa doktor o pagamutan para sa may HIV.


BASAHIN: Tumataas na kaso ng HIV sa Roxas City ikinabahala ng City Council