Aklan News
Taas presyo sa PUV Express ‘Dala ng pangangailangan’ ayon sa CBTMPC
Kalibo, Aklan – Nilinaw ng Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative (CBTMPC) ang dahilan ng biglaang pagtaas ng pamasahe sa mga Public Utility Vehicles nitong lunes.
Maaalala na ikinagulat ng mga pasahero ang pagtaas ng pamasahe sa PUV na biyaheng Kalibo to Caticlan sa P130 mula sa P100.
Ipinaliwanag ni CBTMPC Van operation manager Jojo Jingco sa naging panayam sa kanya ng Radyo Todo, na matagal nang aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang singil sa pasahe at ang rate na ito ay noon pang 2008.
Aniya, hindi na bago ang nasabing rate dahil matagal na ito ngunit hindi lang agad na naipatupad dahil sa kumpetisyon ng mga PUV Express noon.
Dagdag pa ni Jingco, ang taas sa pasahe ay dala ng pangangailangan ng mga drivers dahil sa matinding epekto ng oil price hike, taas presyo ng bilihin at gayundin ang presyo ng spare parts at maintenance ng mga sasakyan.