Aklan News
DEMOLISYON SA 5 PANG NATITIRANG ESTABLISEMYENTO, IPAGPAPATULOY NGAYONG ARAW
Boracay Island – Ipagpapatuloy ngayong araw ang pagdi-demolish sa 5 pang natitirang establisemyento sa isla ng Boracay.
Nauna ng giniba kahapon ang limang buildings na kinabibilangan ng Aira Hotel, Freestyle Academy Kitesurfing School, Pahuwayan Suites, Boracay Gems at Unit 107 of 7 Stones Boracay Suites.
Ang natitirang lima ay ang Kite Center and Banana Bay, Wind Riders Inn, Ventoso Residences at Plumbing Residences.
Ang 10 residential at commercial establishments ay dahil sa paglabag nito sa 25+5 meters beach easement na pinapatupad ng gobyerno sa Bulabog Beach at makaraang magpaso na rin ang 20 araw na Temporary Restraining Order (TRO) na nakuha ng mga may-ari nito mula sa korte.
Ang Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) pa rin mangunguna sa demolisyon sa 10 residential at commercial building na lumabag sa 25+5 meter easement sa Bulabog Beach.
Matatandaan na naglabas ang korte ng 20 araw na TRO sa 10 mga establisimyento upang bigyan ng kaukulang panahon ang mga property owners na mag apela sa kanilang kaso.
Iginiit ng LGU na tapos na ang 20 days temporary restraining order ng korte kaya’t wala nang makapagpipigil sa kanila na ipatupad ang demolisyon.
Inihayag naman ni General Manager ng Task Force na si Natividad Berdandino, na lumabag sa 25+5 meter easement ang 10 istruktura at sila na lang ang natitirang “non-compliant”.
“Of the 52 non-compliant in the Bulabog beach, only 10 are remaining and these are the establishments which were the subject of the TRO,” ani Berdandino.
Ang naturang mga establisimyento ay kinabibilangan ng Aira Hotel, Ventoso Residences, Freestyle Academy Kite Surfing School, Kite Center at Banana Bay, Wind Riders Inn, Pahuwayan Suites, Boracay Gems, Unit 101 of 7 Stones Boracay Suites, Unit 107 of 7 Stones Boracay Suites, at Lumbung Residences.