Connect with us

National News

Subsidiya sa salamin para sa bata, senior citizens, isinusulong ng DOH sa PhilHealth

Published

on

Isinusulong ng Department of Health (DOH) sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na magkaroon ng subsidiya sa salamin para sa mga bata at senior citizens na may problema sa paningin.

Ayon kay Maria Sylvia Uy, namumuno sa Prevention of Blindness Program ng DOH, nais ng ahensya na ma-cover ng PhilHealth ang pagbibigay ng salamin sa mga may karamdaman sa mata upang magkaroon ng mas komprehensibong eye-care service ang mga Pilipino, lalo na sa implementasyon ng Universal Health Care Program.

Sa kasalukuyan, ang sakop lamang ng PhilHealth ngayon ay ang screening, consultation fee at surgery sa katarata at glaucoma.

Sinabi ni Uy na sa ilalim ng bagong sistema na ipinapanukala, kapag napag-alaman sa health center na ang isang bata o senior citizen ay may suliranin sa paningin tulad ng nearsightedness, farsightedness, o astigmatism, ire-refer sila sa isang accredited na optometrist.   

Sasagutin ng PhilHealth ang aabot sa Php500 na halaga ng salamin kada pasyente.

Prayoridad umano ng DOH ang mga may edad na nasa kindergarten at senior citizens sapagkat ang hindi maagap na pagbigay-solusyon sa sakit sa mata ay may malaking epekto sa kanilang pamumuhay.

“It could have a negative impact on the academic performance of children. For senior citizens, they need eyeglasses because they are prone to falls,” ani Uy.

Statistika ng may sakit sa mata

Ayon sa pinakabagong pag-aaral ng Philippine National Survey of Blindness and Eye Disease, mayroong halos 400,000 Pilipino ay may errors of refraction na hindi nabibigyan ng lunas. Humigit kumulang 3.4 milyon naman ang may undiagnosed errors of refraction.

Sinabi ni Dr. Andreas Mueller,  regional adviser ng World Health Organization, na ang pamamahagi ng salamin ay isang paraan para solusyonan ang vision impairment, isang kundisyon na nakakaapekto sa higit 2.2 bilyong tao sa buong mundo.

“So much vision loss is unnecessary. If we treat and find them early enough, we can treat them appropriately,” ani Mueller.

BASAHIN: DOH wants ban on sale of cigarettes per stick