National News
Magsasaka sa Cagayan, sumuong sa abot-bewang na baha upang anihin ang palay na nalubog sa baha
Nakapanlulumo para sa isang magsasaka na makita ang kanyang mga pananim na palay na hindi naani at nakalubog sa baha. Hindi kasi biro ang naibuhos na niyang oras, pagod at pera sa pag-asang magkaroon ng magandang ani. Kaya naman isang magsasaka sa Aparri, Cagayan ang lumusong sa baha sa gitna ng paghagupit ng bagyo upang kahit papaano ay makapagsalba ng kaunting palay pambawas sa kanilang kalugihan.
Sa mga video at larawan na ipinost ni Romeo Furagganan sa Facebook, makikita ang isang lalaki na gumagapas ng mga palay sa gitna ng abot-bewang na baha.
Maraming netizens ang nagpahayag ng simpatya sa magsasaka.
“Nakakalungkot. Magsasaka rin ang magulang ko kaya ramdam ko ang ganyan. Nakakaawa ang magsasaka natin kapag kalamidad ang kalaban. Hirap ng isang magsasaka bago pa lumaki at anihin tapos aabutin ng ganito. Luging-lugi talaga. ‘Wag po sana mawalan ng pag-asa, may mabuti sana maging kapalit ang pinagdaanan niyong pagsubok ngayon. God bless you po,” sabi ng netizen na si Jing Jing sa comment section ng nasabing post na ngayon ay mayroon nang higit 2.7k reactions.
It’s really saddening. My parents are also farmers and I feel these kinds of ordeal. Our farmers are really the ones suffering in trying times like this. They had to go through challenging measures before being able to harvest yet they end up experiencing like this. It greatly costs them. I hope you won’t run out of hope and may good things come your way after overcoming this challenge. God bless.]
Ayong sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot sa 1,673 na mga magsasaka ang apektado ng baha sa Cagayan na sumira din ng halos 3,000 ektarya ng palayan. Nagdeklara na ng state of calamity sa probinsya dahil sa matinding pagbaha.