Connect with us

Aklan News

KASO NG DENGUE SA AKLAN PUMALO NA SA 5600

Published

on

Photo from the web.

Pumalo na sa 5600 ang bilang ng kaso ng dengue kung saan 23 na ang naitalang nasawi sa probinsya mula Enero hanggang Nobyembre 2 ngayong taon ayon sa Aklan Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit (APESRU).

Sa tala ng APESRU, 266% ang itinaas nito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang bayan ng Kalibo pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng dengue na may 1145 na sinundan ng Banga na may 502 at pumapangatlo naman ang New Washington sa bilang na 501.

Nakasaad din sa datos na karamihan sa mga tinamaan nito ay nasa edad 11-20 years old na may 32% at 1-10 years old na may 31%.

Gayunpaman siniguro ng ahensiya na patuloy pa rin na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para mabawasan ang kaso ng dengue sa Aklan.