Connect with us

Aklan News

Php20-B na pondo sa 2020 inaprubahan na sa Provincial Dev’t Council Meeting

Published

on

Inaprubahan na sa Provincial Development Council Meeting ang Php20-Bilyong pondo para sa taong 2020.

Pinangunahan ni Gov. Nonoy Contreras ang pagpupulong na ito.

Nabatid na sa nasabing pondo, Php18-Bilyones ang kukunin sa external sources o sa mga national agencies.

Nasa Php1.3-B ang inilaan ng konseho sa General Fund; nasa Php94-M sa Calamity Fund; nasa Php12-M para sa Special Education Fund; nasa Php94-M para sa Gender and Development Fund; at nasa Php176-M naman para sa Economic Services.

Nasa Php120-M naman ang pondo na inilaan para sa mga proyekto at programa ng gobernador para sa buong probinsiya at sa mga munisipalidad.

Dadaan pa sa pag-aaral ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang ito ng Provincial Development Council.