Aklan News
Aklan, kinilala bilang Best Performing Province sa Pagdayaw 2019
Kalibo, Aklan – Kinilala ang Aklan bilang Best Performing Province sa 2019 Excellence in Local Governance Awards (EXCELL) ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region VI na ginanap sa Diversion 21 Hotel Iloilo.
Kasunod ito ng Pagdayaw 2019 na kumikilala sa magandang performance ng LGU pagdating sa administrative governance, social services, economic development, environmental management at local legislation.
Tinanggap nina Aklan governor Florencio Miraflores at vice governor Reynaldo Quimpo ang mga parangal mula kay DILG regional director Ariel Iglesia, Civil Service Commission regional director Nelson Sarmiento at DILG regional director Maria Calpiza Sardua.
Nangibabaw ang Aklan sa probinsya ng Capiz at Guimaras na kapwa mga finalist.
Nakuha rin ng probinsya ang kampeonato sa social governance and local legislation, 1st runner-up sa administrative governance ats 2nd runner-up sa environmental governance at economic governance.
Hindi ito ang unang beses na nakuha ng Aklan ang naturang parangal dahil naging Best Performing Province rin ang probinsya noong 2017.