Connect with us

International News

Pasyente walang habas na namaril sa isang ospital sa Czech Republic; 6 patay

Published

on

Photos: EPA

BINALOT NG TENSYON ang ospital sa lungsod ng Ostrava sa Czech Republic matapos ang walang habas na pamamaril ng isang lalaking pasyente na ikinasawi ng 6 katao.

Batay sa ulat, namaril umano ang gunman sa waiting room ng ospital.

Base naman sa head ng ospital na si Jiří Havrlant, pinagbabaril ng suspek ang mga pasyente malapit sa kanilang mga ulo at dibdib.

Nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad tungkol sa insidente ng pamamaril pasado alas 7 ng umaga nitong Martes.

Kalaunan ay binaril din ng 42 anyos na suspek ang kanyang sarili sa ulo bago pa man dumating ang pulisya.

“We identified the gunman using hospital cameras. We deployed two helicopters, identified his car… and when one helicopter descended over the car, he shot himself in the head,” pahayag ni regional police chief Tomas Kuzel.

Hindi pa malinaw ang motibo sa naturang krimen, at patuloy ang pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa insidente.

Samantala, ito na ang isa sa pinakamalagim na shooting incident sa Czech Republic kasunod ng nangyaring pamamaril na ikinamatay ng 8 katao sa Uhersky Brod noong 2015.