Connect with us

Aklan News

Pagsasabatas ng scholarship prog ng Roxas City gov’t garantiya na hindi ito mapupolitika

Published

on

Nagbigay garantiya ang isang konsehal ng Roxas City na ang pagsasabatas ng scholarship program ng pamahalaang panglungsod na hindi ito mababahiran ng politika.

Ito ang pinasiguro ni number one City Councilor Angel Celino sa kaniyang privilege speech sa regular session ng Sangguniang Panglungsod.

Ayon sa konsehal, bagaman mag-iba ang administrasyon, hindi na mababahiran ng politika ang pagbibigay ng iskolarsyip sa mga deserving student dahil isa na itong ganap na batas.

Mababatid na sa parehong regular session nitong linggo, inaprubahan ng konseho ang “Ordinance Establishing the Roxas City Scholarship Program to Assist those Financially Challenge but Deserving Students.”

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, maaaring makapag-aral sa kahit anong kurso sa anumang kolehiyo o unibersidad ang kwalipikado sa scholarship program.

Batay sa Roxas City Scholarship Ordinance, maaaring makatanggap ng P10,000 educational assistance ang isang scholar.

Sa kaniyang privilege speech, binigyang-diin ng may-akda na si Konsehal Paul Baticados na ang edukasyon ay isang pangunahing karapatan na dapat pahalagahan ng gobyerno.