International News
DATING SOFTWARE ANALYST, NAGSULAT NG “NATIONAL” ANTHEM PARA SA MARS
Isang dating software analyst mula sa India ang nagsulat ng “national” anthem ng Mars.
Itinuturing na “rising star” sa mundo ng opera si Oscar Castellino at siya ang kinomisyon ng UK Mars Society upang magsulat ng anthem ng Red Planet. Ito ay dahil sa paniniwala na kapag maging matagumpay ang pagtira ang tao sa Mars, kakailanganin nila ng sariling “musical identity.”
Ayon sa Presidente ng UK Mars Society, ang isang mahalagang parte ng kasaysayan ay nararapat lang na saliwan ng musika. “What successful movement has ever not had an anthem? Music moves the soul.”
Layon daw ng anthem na makahimok sa tao na mangarap.
“The Martian Anthem is not about a planet. It’s about our species taking a great leap forward. And I hope this anthem inspires people to dream and to look up to Mars and beyond,” ani Oscar Castellino.
Ang Mars Society ay isang grupo na nagpo-promeote ng pagtuklas at pagtira sa Mars.o