Connect with us

International News

300 PINOY ILILIKAS DAHIL SA PATULOY NA BUSHFIRE SA AUSTRALIA

Published

on

Pinalilikas na ang nasa 300 Pinoy sa East Gippsland sa Victoria, Australia dahil sa patuloy namalawakang bushfires sa lugar, ayon sa Philippine Embassy sa Canberra.

Base sa First Secretary at Consul General ng Philippine Embassy na si Aian Caringal, nakikipag-ugnayan na umano ang Philippine officials sa local Australian officials para sa isasagawang paglilikas.

“The 300 Filipinos are already being attended to by the local government and have been given temporary housing and been given emergency relief,” saad ni Caringal sa isang panayam.

Batay sa ulat, nasa 24 indibidwal na ang nasawi dahil sa nagaganap na bushfire at wala namang napabilang na Pinoy sa nasawi.

Giit ng first secretary, handa ang Philippine embassy sa pagpapauwi ng mga Pinoy workers sa Australia kaugnay sa nangyayaring kalamidad. 

Ayon sa datos, sinabi ni Caringal na may 300,000 Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Australia. 

Via / Source: remate.ph