Connect with us

Aklan News

TOTAL PHASE-OUT NG TRAYSIKEL SA BORACAY, SUSPENDIDO DAHIL KAY URSULA

Published

on

Photo from the web.

Kalibo, Aklan – HINDI muna matutuloy ang implementasyon ng total phase-out ng mga de gasolinang traysikel sa Boracay Island matapos isuspende ng LGU Malay.

Ayon kay Acting Malay Mayor Frolibar Bautista, nakatakda sana ang total phase-out ng 170 natitirang tradisyunal na traysikel sa December 31, 2019, ngunit ipinagpaliban muna ito dahil hirap na makacharge ang mga E-trikes sa kawalan ng kuryente sa ibang lugar sa isla.

“Nahirapan ang ating mga electronic tricycles (e-trikes) na maka-recharge dahil may mga lugar sa isla na wala pang kuryente,” ani Bautista.

Pinayagan na rin ng lokal na pamahalaan na maka-biyahe ang mga single motorcycles o habal-habal dahil sa kabila ng idinulot na problema ni Ursula ay marami pa ring turista ang bumibisita sa Boracay.

Ipinag-utos ni Bautista sa Municipal Transportation Office ang pag-phase out sa tradisyunal na traysikel dahil layon ng pamahalaan na maging environment-friendly ang transportasyon sa isla.