Connect with us

Aklan News

Komendasyon para sa CAPELCO, iba pang eleco inaprubahan ng Roxas City Council

Published

on

Bibigyan ng komendasyon ng Sangguniang Panglungsod ang Capiz Electric Cooperative (CAPELCO) at iba pang electric cooperative na nagtulungan para mapabilis ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa Roxas City kasunod ng bagyong Ursula.

Ang komendasyon ay aakdaan ni Konsehal Midelo Ocampo. Aniya, batay sa ulat ng CAPELCO, nasa 56,000 household ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos ang paghagupit ng bagyo.

Dagdag pa ng konsehal, sa loob lamang ng halos dalawang linggo ay na naibalik ng mga line men ng iba-ibang electric cooperative ang 92 porsyento ng suplay ng kuryente.

Sa kanyang privilege speech, nanawagan ang lokal na mambabatas na regular na magsagawa ng clearing sa mga linya ng kuryente para maiwasan ang matinding pinsala kapag magkaroon ng kalamidad.

Pinuri rin Konsehal Moring Gonzaga ang CAPELCO at iba pang electric cooperative na nagsimula pa sa iba-ibang probinsiya para tumulong na mabalik ang suplay ng kuryente. Ramdam umano niya ang paghihirap ng mga lineman.

Samantala, pinahayag ni Trina Marie Ignacio na dapat mabigyan din ng komendasyon ang iba pang mga organisasyon na tumulong sa panahon at pagkatapos ng bagyo. Mainam aniya na magkaroon muna ng listahan kung sinu-sino ang dapat bigyan ng komendasyon.