Connect with us

Aklan News

Pinakamahabang tulay sa Panay bubuksan na

Published

on

Photo Courtesy| Bart Baylon torres

Kalibo, Aklan – Nakatakdang inagurahan bukas (Enero 16, 2020) ang pinakamahabang tulay sa Panay Island na matatagpuan sa Kalibo Circumferential Road ng Tigayon, Kalibo.

Ang nasabing tulay ay may habang 770-lineal meter na kumokonekta sa Brgy. Tigayon, Kalibo at Mina, Lezo.

Ginawa ang tulay upang maging alternatibong ruta para mas mapabilis ang transportasyon at mabawasan ang sikip ng daloy ng trapiko sa Kalibo lalo na sa pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival.

Maalala na sinimulan ang pagtayo ng tulay noong November 2016 at natapos nitong December 2019.

Inaasahang darating sa inagurasyon si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, DPWH Regional Director Lea Delfinado, Cong. Carlito Marquez ng Aklan first district, Cong. Teodorico Haresco ng second district, Governor Florencio Miraflores, Vice Governor Atty. Reynaldo Quimpo, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at Kalibo Mayor Emerson Lachica.